‘Bibitayin na ba ako?’ — Sally Villanueva

IKINAGULAT ni Sally Ordinario-Villanueva ang pagbisita ng mga magulang sa kanyang detention cell, ayon sa kanyang mga magulang at dalawang kapatid.

Pinayagang makabisita ang mga kaanak ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa huling pagkakataon bago mabitay si Ordinario sa Xiamen, China.

Anila, nagulat ang bibitaying Filipino sa kanilang pagdalaw at nagtanong agad ito ng, “Mamamatay na ba ako?”

Sinabi naman ng kapatid ni Sally na si Jason, mahigpit ang mga guwardiya sa kulungan dahil eksaktong isang oras lamang ang ibinigay sa kanila upang makita at makasama sa huling pagkakataon si Sally.

Ikinuwento rin ni Jason na maraming ibinilin ang kanyang ate sa kanya at kanilang mga magulang.

“Marami po siyang bilin pero hindi po namin maintindihan dahil iyak po kami ng iyak,” ayon kay Jason.

Inihabilin din ni Sally ang kanyang anak na huwag itong pabayaan.

Ibinalik na rin ng Chinese authorities ang mga gamit ni Sally sa kanyang pamilya pagkatapos ng kanilang pagdalaw dito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply