Mancao desididong ipakalaboso si Ping

ISUSULONG pa rin ng kampo ni dating Senior Supt. Cesar Mancao ang lahat ng ligal na hakbang upang mabaligtad ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na pumapabor kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Mancao, babagama’t iginagalang nila ang pagpapasya ng CA na nagsasabing walang saysay ang testimonya ni Mancao, hindi umano nakatitiyak ang senador na balik na sa normal ang buhay nito.

Mayroon aniya silang pagkakataon hanggang April 8 para maghain pa ng Motion for Reconsideration (MR), upang hilingin na baligtarin ang naging desisyon ng appellate court tungkol sa kaso ni Lacson.

Dagdag pa ni Atty. Topacio, maaari pa raw sampahan ng kaso si Lacson dahil puwede pang magsagawa ng reinvestigation ang Department of Justice (DOJ).

Kung sa tingin umano ng DOJ ay may mas matibay na ebidensiya laban sa mambabatas ay maaari pa itong kasuhan sapagkat hindi pa naman umano naga-apply ang doktrina ng double jeopardy.

“Ginagalang po namin ang desisyon ng Court of Appeals, kaya nga po kami ay gagawa ng prosesong legal din upang subukan na ito ay baligtarin. Sa estado po ngayon ay MR pa po ang dapat naming ihain,” ani Topacio. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply