Mandurukot na lola tiklo

SWAK sa kulungan ang isang lola matapos mahuli ng kanyang dinudukutan sa Malabon City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Concepcion dela Cruz, 56, ng Trinidad, Tondo, Manila.

Batay sa ulat, dakong 6:30 ng umaga kanina, Marso 27, nagkunwaring bibili ng bigas ang suspek kay Ronald Lahara sa palengke ng Hulong Duhat, nasabing lungsod.

Pagtalikod ni Lahara ay dinukwang ng suspek ang pinaglalagyan ng pera at kumuha ng P2,000 subalit nakita siya ng tindera ng una.

Agad nagsumbong ang tindera kay Lahara dahilan upang magpatawag ng guwardiya at ipinadakip ang suspek. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply