Manila Bay agad na ipinalilinis ng SC

IKINATUWA ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang kautusan ng Korte Suprema na madaliin ang paglilinis sa Manila Bay.

Ani Paje, welcome sa DENR at iba pang ahensya ng gobyerno  dahil talagang gusto nilang linisin ang Manila Bay sa lalong madaling panahon.

Natatandaang noong Biyernes, iginiit ng limang Supreme Court justices na pinamumunuan ni Chief Justice Renato Corona nsa bisitahin ang Manila Bay.

Kasama sa inspection tour sina Justices Presbitero Velasco Jr, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo at Jose Perez.

Sinimulan ang inspection sa Philippine Coast Guard (PCG) wharf sa South Harbor, Manila sakay ng MV EDSA II, para sa ocular assessment ng isinasagawang rehabilitasyon at restoration.

Ani Paje, totoong napabayaan ang Manila Bay mula nang mag-isyu ng mandamus, ngunit may mga bahaging may kaunti namang improvement.

Noong nakaraang Pebrero 15, nagdesisyon ang SC base sa rekomendasyon ng Manila Bay Advisory Committee (MBAC) sa pamumuno ni SC Justice Presbitero Velasco, Jr., na magkaroon ng time frame sa mga sangkot na ahensya upang magawa nila ang mga trabaho sa isang  “writ of continuing mandamus” para sa DENR at 10 pang government agencies na linisin ang Manila Bay.

Ang Manila Bay ay kilala sa buong mundo dahil sa napakaganda nitong takipsilim (sunset).

Inisyu ang mandamus noong December 2008,  resulta ng reklamong isinumite ng mga “concerned resident of Manila Bay” dahil sa umano’y kawalang aksyon ng gobyerno na maiayos ang  kondisyon nito. Nenet Villafania

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply