Mapagsamantalang NSAs parurusahan

BABANTAYAN umano ng Philippine Sports Commission (PSC) nang mabuti ang performance ng national sports associations (NSAs).

Ayon sa mga sources, titiyakin ng PSC na makakukuha ito ng mga magagaling na atleta sa gaganaping PNoy National Games mula sa Mayo 23 hanggang 29.

Kahit na gahol na sa oras ay kailangan umanong mapunan ang mga kulang sa national team na isasabak sa iba’t ibang international events.

Mahigpit ding babantayan ang mga coaches at officials dahil dito rin umano nakasalalay ang kapalaran ng mga ito kung mananatili o hindi sa Phl team.

Tiyak umanong mapaparusahan ang mga mapagsamantalang NSAs sa oras na matuklasang may ginagawang kabalbalan ang mga ito.

Nakalagda na rin ang PSC ng memorandum of agreement (MOA) sa lokal na pamahalaan ng Bacolod, Silay at Talisay City para sa hosting ng national games.

Samantala, tiyak umanong mamayagpag na naman ang mga buwaya sa NSAs kaya dapat umanong siguraduhing magiging maayos ang training ng mga atleta at dapat ding mapunta sa kanila ang pondo para sa mga ito.

Tampok ang 23 sports disciplines, ang games na ito ay magiging national open para sa lahat ng NSAs sa isang linggong kompetisyon.

Kababalik lang ng national games makaraan ang 15 taon nitong pagkawala sa sirkulasyon. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply