Mapua pasok sa B-League quarters

NAKAHABOL ang Mapua Institute of Technology Pool Sharks tungo sa pagkumpleto ng mga kalahok sa quarterfinals ng National Collegiate Billiards League (B-League) na ginaganap sa Star Paper Billiards Center sa Quezon City.

Nangangamba sa posibleng pagkakasibak dahil sa paghahabol ng isang puntos sa Adamson University, naiposte ng Cardinals ang malinis na 3-0 panalo laban sa Dela Salle at University of Makati at isang manipis na panalo sa Powerhouse na Jose Rizal University, 2-1.

Ang panalo ng Mapua ay kasunod ng pagpapadapa ng tambalang John Navarro at Rowell Co sa pares nina Alfiniano Tagle at Eufraime Cruz 5-1 sa 8-ball-doubles at ang pag-ungos ni Co laban kay Cruz 7-6 tungo sa pagsukbit ng momentum sa quarterfinal round. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply