Maraming-maraming trabaho

ISA sa pangako ng Pangulong Noynoy Aquino ay iahon ang bansa sa kahirapan.

Sabi pa nya, walang mahirap kung walang korap. Pero hindi sapat na labanan lang ang korapsyon para maiangat ang mga Pilipino sa kahirapan.

Kailangan gumawa ang administrasyong ito ng trabaho, maraming-maraming trabaho. Trabaho para sa libo-libong ga-graduate na mga kabataan sa taong ito, trabaho para sa mga Pinoy na umuwi galing sa mga may gyerang bansa tulad ng Libya at baka pati galing sa Taiwan na medyo nakatampuhan ng Pilipinas.

Hindi pwede na basta may job fair lang, ilan lang bang trabaho ang meron sa mga job fairs?

Ang kailangan ng bansa ay mas maraming mamumuhunan para magtayo ng maraming negosyo na makakagawa ng maraming trabaho.

At maraming isyu  ang involved para mangyari ito kasi kailangan may kumpyansa ang business sector sa Pilipinas at bumaba ang krimen at magmura ang kuryente.

Kailangan din na ma-develop natin ang ating mga kabataan, lalo yung mga bagong graduate, na matutong mag-negosyo, maging mga entrepreneurs at hindi mangarap na maging mga empleyado na lang habambuhay.

Sa kasalukuyan mabuti na rin ang mga nangyayaring imbestigasyon sa Kongreso tungkol sa mga katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno, pwede kasi itong magbalik ng tiwala ng Pilipino sa pamahalaan lalo kapag nabigyan ng solusyon, naparusahan ang mga may sala at maiayos ang proseso para hindi na maulit muli at tuluyan nang matigil ang garapalang korapsyon sa gobyerno.

Pero hindi ang mga imbestigasyong ito ang tatapos sa kahirapan. Sa huli,
sariling pagsisikap pa rin ng bawat isa sa atin ang makaka-ahon sa atin sa hirap ng buhay at kung ang ating pamahalaan ay maging matagumpay sa paggawa ng maraming-maraming trabaho, magiging okay na rin ang buhay ng mga Pilipino.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com.
Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon
. Ariel Enrile-Inton

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply