Maraming potensiyal sa PBA D-League

MARAMING players na may angking potensiyal na makapaglaro sa regular PBA League teams ang nasisilip sa pagsisimula pa lamang ng laro sa The Arena sa San Juan City.

Pinasaludo ng RnW Pacific Pipes ang Gilmore Wizards 76-72 samantalang nilupig ng Cobra Energy Drinks Ironmen ang Maynilad Wizards sa score na 78-70.

Maagang hiniya ng Cobra ang liyamadong Maynilad na binubuo ng 2010 NCAA cage champions na San Beda Red Lions na kumana ng 18 straight wins collegiate amateur games.  Samantala, si Paul Lee ng University of the east Warriors ay bumida sa kanyang double-double na 26 puntos at 11 assists bukod sa hinablot na 8 boards.

Magandang buwena mano ang panalo ng Pacific Pipers para kay Rookie coach Topex Robinson sa laban nila sa PC Gilmore Wizards.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply