Maraming trabaho para sa OFWs mula Libya – DOLE

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maraming job opportunities ang naghihintay sa overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa kaguluhang nagaganap sa bansang Libya.

Ayon sa DOLE, siniguro na rin sa kanila ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) na magbibigay sila ng mga trabaho sa nabanggit na mga OFW.

Nakatakda na umanong makipagkita ang DOLE sa executives ng ECCP upang mabatid kung anu-ano ang mga bakanteng trabaho at iba pang detalye nito.

“On Monday, the DOLE will meet with ECCP executives to know the vacancies and other details,” anang DOLE sa isang kalatas.

Kasabay nito, hinikayat ng DOLE ang mga OFW na bumalik sa bansa mula Libya na ikonsidera ang outreach program ng United States Embassy na “America in 3-D” sa SM City North EDSA sa Quezon City.

Nabatid na sa nasabing proyekto, magsasagawa umano ng job fair ang US Embassy upang mapunan ang mahigit 6,000 local vacancies sa 33 American companies sa iba’t ibang industriya.

Dagdag pa ng DOLE na ang Joint Foreign Chambers of the Philippines, maging Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ay nagpahayag ng pagnanais na kuhanin ang serbisyo ng mga OFW evacuees mula sa Libya. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply