‘Maria la del barrio’ ni Thalia ire-remake ng Dos

MULING bubuhayin ng ABS- CBN-2 ang hit Mexican telenovela noon na  “Maria la del barrio” na pinagbidahan ng seksing-seksi at magandang Mexican actress na si Thalia na talagang minahal ng mga Filipino.

Kung matatandaan, may ilang series din si Thalia noon sa Pilipinas gaya ng “Marimar,” Rosalinda” at iba pa na talgang nag-click sa masa.

Sumikat sa bansa noong panahon na iyo si Thalia at nag-record pa ng kanyang version ng “Nandito” ako ni Ogie Alcasid.

Sa gagawing remake ng Dos sa naturang serye ay gagampanan ni Erich Gonzales na talgang nagbo-bloom ang career ngayon, ang papel na “Maria” na isang mag-uuling at makakatambal niyang muli sa nasabing serye si Enchong Dee bilang isang heredero na si Luis Fernando na noon ay binigyang buhay ng napakagwapong si Fernando Colunga.

Flaterred naman si Enchong sa pagkakasama sa proyektong ng malaman niya na isa pala itong big hit sa Mexico at dito sa Pilipinas noong 1995-1996.

Bata pa kasi noon si Enchong kaya di niya masyado knows ang nasabing serye.

Nagsagawa na ng screen test para sa nasabing serye at bulung-bulungan na bagay daw kay Erich ang nasabing role.

Mag-click kaya ito? Abangan! Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply