Maricel Soriano itinangging lulong sa droga

NAGSIMULA ang lahat sa blind item na maliwanag at malinaw pa sa sikat ng araw na ang tinutukoy ay si Maricel Soriano.

Na umano’y sugapa sa bawal na gamot ang mahusay na aktres at ang matindi pa sa mga balita’y nasa rehab na ang bituin at nagpapagaling sa kanyang pagkalulong sa droga.

Walang makahagilap kay Maricel pero ang kanyang kapatid na si Becbec Soriano, ang ina ng anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano ay nakabalandra sa Ani Award ng National Commission for Culture and the Arts ng Grand Ballroom ng Sofitel sa Pasay City kaya hindi na kami nag-atubiling tanungin si Becbec kaugnay sa isyu.

“Naku, hindi totoo ‘yon. Magkasama lang kami no’ng isang araw at wala naman siyang sakit na ganyan,” paglilinaw ni Becbec sa usapin.

“Saan ba nagsimula ang lahat nang ‘yan? Hindi totoo ‘yan,” pagdidiin ng panganay na utol ni Marya.

***

Nasa awards night ng National Commission for Culture and the Arts si Becbec dahil sa pinarangalan ng NCCA ang kanyang anak na si Meryll bilang Cinema Awardee.

Pinili ng mga ehekutibo ng NCCA at nagwagi si Meryll sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Filipino sa pamamagitan ng pagwawagi ng mga Best Actress award para sa kanyang mga pelikula kabilang ang “Roomboy” at “Donor” ni Mark Meily kung saan siya ay pinarangalan sa Brussels International Film Festival bilang Pinakamahusay na Aktres sa huling nabanggit na obra.

***

Panauhin ni Freddie Aguilar kamakailan sina Ricky Mansueto at Zeny Marcelo-Poe, ang balo ni Conrad Poe na kapatid ni Fernando Poe, Jr. sa Ka Freddie’s sa Malate at karangalan para kay Ricky na makadaupang-palad ang beteranong mang-aawit.

Kahit na parehong singer sina Mansueto at Freddie ay ngayon lang nagkita nang personal ang dalawa.

Kaya nga hindi maipinta ang kagalakan ni Ricky sa pagkakataong ‘yon lalo na nang magpakuha pa sila ng larawan na magkasama nang eksklusibo.

Kumakanta pa rin si Mansueto sa mga club kahit may iba pa siyang trabaho sa marketing ng isang establisimiyento sa Malate.

Kapatid ni Ricky si Lovely Mansueto na ngayon ay isa nang ganap na ina pero hindi pa rin nawawala ang kagandahan at kaputiang parang labanos ng batang aktres.

Housewife ang drama ngayon ni Lovely at ina sa walong buwang sanggol na si Kayler Luke pero kahit gayunman ay magbabalik sa siya eksena dahil mag-aaral pa siyang umawit nang husto.

Tinatawagan na nga siya ni Michelle Junia, ang dating miyembro ng 14K ni Ryan Cayabyab at ngayon ay may music studio, ang Musikgarten sa Paragon Building sa EDSA.

Kung nais mag-aral muli ni Lovely o ni Ricky ng musika ay bukas ang istudyong ito para sa kanya.

***

Sina Anita Linda at Rustica Carpio ay patuloy na namamayagpag sa showbiz at malakas na malakas pa kahit na sila ay octagonerian na sa mundong ito.

Ayon kay Anita, kahit mahihirap na papel ay kaya niyang gampanan tulad ng kanyang ginawa sa “Lola” ng Centerstage Productions sa direksyon ni Brillante Mendoza.

“Wala akong selos na pareho kaming Best Actress ni Rustica Carpio sa ‘Lola’ dahil pantay na pantayang distribution ng roles namin,” paliwanag ni Linda. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply