Marikina mayor ‘hindi tinatabla ng kaalyado’

NAGBABALA si Marikina City Administrator Vic Sabiniano sa mga opisyal ng city hall na hindi sila mangingiming tanggalin sila sa puwesto ang sinumang mapapatunayang nagtraydor sa taumbayan.

Binigyang-diin ni Sabiniano na may tiwala si Mayor Del de Guzman sa mga department head ng city hall na inabutan na nilang nanunungkulan maging ang kanilang kasalukuyang itinalaga.

Ito ang bilang tugon sa isang artikulong lumabas sa pahayagang ito kahapon. Sinikap ng ma-akda na makapanayam si De Guzman subalit wala ito sa kanyang tanggapan.

Ayon kay Sabiniano, hindi siya naniniwalang may nagtatraydor na kaalyado kay De Guzman.

Inamin niyang may ganitong humihiging na balita, ngunit wala pa naman umanong napapatunayan na lumalabag ang mga ito sa kanilang standard office procedure na kanilang ipinatutupad ng Marikina City Hall.

Subalit isang mataas na opisyal ng Marikina City Hall na ayaw nang magpabanggit ng pangalan ang nagkumpirmang  pawang katotohanan ang nasulat sa pahayagang ito.

Anito, mayroon ngang traydor sa hanay ng mga department head. Marami din umanong kaalyado ang alkalde na nakikialam sa pamamalakad ng city hall.

Bukod sa pakikialam, nagtalaga rin umano ng mga consultant sa bawat department head at karamihan ay hindi kwalipikado.

Sinabi pa ng source na dapat nang magbitiw ang isang department head na may pakana sa lumalabas na balita na laban kay De Guzman at nakasisira sa imahe nito.

Dagdag pa nito na ang nasabing deparment head ay “bata” ng isang pulitiko na nagpopondo upang siraan ang alkalde. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply