Marikina Valley faultline ‘hinog’ na para sa lindol

HINOG na para umuga o gumalaw ang Marikina West Valley faultline, na kayang makalikha ng malahiganteng magnitude 7.2  earthquake, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) nitong Miyerkules, Marso 16.

“Ripe na gumalaw ang fault. Napakataas ng probability na gumalaw ito in the future, hindi lang natin masabi ang exact date and time,” ayon kay  Phivolcs deputy director Bartolome Bautista.

Nilinaw ni Bautista na ang earthquake fault, na tumatakbo mula Sierra Madre hanggang sa Tagaytay, ay gumagalaw bawat 200 hanggang 400 taon.

Ang huli aniyang gumalaw ang naturang fault ay may 200 taon na ang nakararaan.

“Pumapasok na siya sa recurrence time. Pasok na sa cycle,” saad pa ni Bautista.

Inamin ng opisyal na imposibleng malaman kung kailan gagalaw ang fault at umaasa lamang ang Phivolcs sa pre-quake shocks bilang senyales na ito ay gagalaw.

“Iba-iba yung pag-uugali ng faults,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, inatasan na ni Public Works Secretary Rogelio Singson ang Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) para i-assess ang mga luma at matatas na gusali lalo na kung ang mga ito ay may 15-taong gulang na.

Aniya, na-inspeksyon na ng PICE ang may 1,100 public buildings sa Metro Manila, at ang ilan dito ay idineklara na nilang condemned buildings.

Bukod aniya sa Metro Manila, ia-asses din ang mga impraktrakltura sa mga probinsiya.

Iminungkahi rin kay Singson na iprayoridad sa pag-inspekyon ang mass transit systems sa bansa.

Maliban sa “structural integrity” ng mga gusali at civil utilities ng bansa, nais din malaman kung may back-up systems ang utilities sa oras ng kalamidad.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply