Marquez lalaruin lang ni Pacquiao –Barrera

MAGING si former three-division world champion Marco Antonio Barrera ay naniniwalang hindi mananalo ang kanyang kababayang si WBO/WBA Super World Lightweight champion Juan Manuel Marquez kay 8-division world champion Manny Pacquiao, sakaling matutuloy ang pinaguusapang Part III match ng dalawa.

Ito’y matapos mapabalitang balak umano ni Marquez na lumipat sa Top Rank Promotions mula sa Golden Boy upang matuloy ang Part 11 match nila ni Pacquiao.

“It’s a good fight but it won’t look the same as the last two fights Marquez have with Manny Pacquiao. Now it’s very different. Manny Pacquiao now is very strong, Manny Pacquiao is going to win,” wika ni Barrera.

Ayon sa ulat, maaring maganap ang Pacquiao-Marquez trilogy sa Nobyembre, anim na buwan pagkatapos ng laban ni Pacquiao kay Sugar Shane Mosley sa May 7 sa Las Vegas kung hindi matutuloy ang laban kay Floyd Mayweather Jr.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply