Marso na at buwan na ng mga sunog

NITONG nakaraang Pebrero, binalot ng maraming sunog ang Metro Manila.

May mga namatay at libo-libong pamilya ang nawalan ng tahanan.

Mayroon ding mangilan-ngilang sunog na naganap sa mga lalawigan at may mga nagbuwis din ng buhay kasama ang pagkaabo ng maraming tahanan at iba pang ari-arian.

Kasama sa naging mga sanhi ng problema ang init ng panahon.

Ngayong buwan ay pa-simula na ng tag-init at tiyak namang higit na mainit ang panahon ngayon kumpara sa buwan ng Pebrero.

Kaya inaasahan na mas marami ang magaganap na sunog.

Ano-ano na ngayon ang ating mga paghahanda, mga Bro, laban sa sunog?

oOo

Sa parte ng pamahalaan, ewan ko kung bakit hirap na hirap itong magpundar ng mga makinarya gaya ng mga firetruck at iba pang kagamitan laban sa sunog.

Totoo na mahal ang katulad ng mga firetruck subalit kabilang dapat ang mga ito sa mga prayoridad ng gobyerno na ipundar.

Ang lungsod lang yata ng Makati ang may maganda-gandang kagamitan.

Kung bakit naiisip natin ang pamahalaan, mga Bro, ay dahil na rin sa pagsulpot ng mga tore na tirahan ng mga tao.

Yun bang === nagtataasang condominium at iba pang mga gusali na naglalaman ng daan-daan o libo-libong tao sa iisang panahon.

Iniimadyin natin.

Paano kung may mangyaring katulad ng pelikulang “Towering Inferno?”

Eh hanggang 5th floor lang yata ang kayang labanan ng mga kagamitan ng Bureau of Fire Protection natin.

May isa pa ngang problema sa suplay ng tubig sa mga gusaling ganyan.

Ang pagkakaalam natin, sapilitan ang paglalagay ng mga condominium ng deposito ng tubig sa takdang mga floor.

Pero marami raw violation dito at tinatapalan na lang ng salapi ang mga mata ng mga building inspector para sabihin na sumusunod sa batas ang mga gusali.

Pero pagdating ng sunog, patay silang nakatira sa mga matataas na floor ng mga building.

Malilitson sila tiyak nang walang nakatuhog sa kanila na punongkawayan.

O mga building inspecor, paano ito?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph- Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply