Mas mabuting mabomba kaysa mabuhay sa gutom

MALUNGKOT ang biyahe ni Foreign Affairs Sec. Bert del Rosario sa bansa ni Moammar Gadahfi.

Gusto nitong iuwi ang may 13,000 overseas Filipino worker na naiipit sa matinding giyera roon pero nabibigo siya.

Mantakin mo, todo utos si Del Rosario na kaladkarin pauwi ng mga taga-embahada natin ang mga OFW pero iilan lang ang sumusunod sa kanila.

Wala pang 100 katao ang bumiyahe mula sa Tripoli na kabisera ng Libya papuntang Tunisia na apat na oras lamang ang layo para makaligtas ang mga ito sa mga pambobomba ni Uncle Sam doon.

oOo

Katwiran ng mga naroroon, Suki, maganda ang oper sa kanila ng pamahalaan ni Gadahfi. Dinoble ang sahod ng mga OFW at ngayo’y sumasahod na sila ng P160,000-P200,000 kada buwan.

Higit pang problema ng mga OFW ang pagpapadala nila ng remitans kaysa ang umuulan na bomba ni Uncle Sam para lang mapatay o mapalayas sa sarili niyang lupa si Gadahfi.

oOo

Ang nagaganap na ito sa Libya ay dapat na magsilbing aral kay PNoy at mga alipores nito.

Marami sa mga OFW sa Libya ang nars, doktor, inhinyero at iba pang propesyonal. Sa parte lang ng mga nars na OWF at mga nasa Pinas, malayo ang pagpapahalaga sa kanila bilang mga propesyonal.

Nasa P4,000-P5,000 lamang ang ipinasasahod sa mga nars dito at malayo sa nabanggit na sahod ng mga OFW.

Pinasasahod ng gutom at hirap ng mga onorabol ang ating mga nars dito samantalang binubusog sila nina Gadahfi.

Parehong may pag-asa sa buhay ang mga OFW at pamilya nila rito habang magkakasama na nabubuhay ang lahat sa gutom ang naririto.

PNoy, gets mo ba to? Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply