Masaker sa sunog

HABANG nakatuon ang mata ng marami sa nagaganap na kalamidad sa Japan at kaguluhan sa ilang bansa ng mga Arabiano, nangmamasaker naman ang mga sunog na nagaganap sa repablik ni Juan.

Nitong nagdaang araw, mag-asawang doktor, dalawa nilang anak at dalawa rin nilang kasambahay ang nilamon ng sunog sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Kamakalawa, nilamon din ng apoy ang apat na maglolola sa Makati City.

Sino-sino kaya ang mga susunod na biktima ng pumapatay na sunog?

oOo

Kahit may nagaganap na sunog, nakatuon ang mata ng marami sa kalamidad sa Japan at kaguluhan sa mga bansang Arabiano.

Hindi naman masisisi ang marami dahil milyon nga namang katao ang apektado sa mga ito.

May daang libong Japayuki ang nanganganib ang buhay at kabuhayan sa Japan at tiyak namang higit dito ang bilang ng kanilang mga pamilya na makararanas din ng krisis kung mawalan ang mga ito ng padala o uuwi kaya ng luhaan mula sa Japan.

Milyones naman na overseas Filipino worker at pamilyang OFW mismo ang nahaharap sa gutom at iba pang krisis kung magpapatuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at North Africa.

Mawawalan kasi ng trabaho at uuwi sa Pinas ang mga OFW sa gitna ng mga digmaan at kaguluhan doon.

oOo

Kaya naman tila ipinauubaya na lang sa mga bumbero ang laban sa mga sunog.

Bawas na bawas ang atensyon ng marami kung paano sila magtulong-tulong at magsanay laban sa nakamamatay na pangyayari.

Dahil sa lagim na nililikha ng sunog, dapat na hindi bumitiw sa pagbabantay at pakikipaglaban dito ang lahat ng mga kinauukulan.

Aanhin mo nga ang magpundar ng buhay at kinabukasan kung tutupukin lang ng apoy ang mga ito?

O magbantay at lumaban tayo sa sunog! Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply