Mataas na antas ng radiation na-detech sa gulay mula Tokyo

NA-DETECH ang mataas na radiation level sa gulay mula sa Tokyo, iniulat ng Japan’s health ministry.

Ayon sa nasabing ministry, na-detech ang radioactive cesium sa Komatsuna or Japanese mustard spinach mula sa Edogawa ward ng nasabing lungsod, kahapon, Huwebes.

Lumagpas sa legal limit ang antas ng radiation sa nasabing gulay. Napag-alaman na ang radioactive level ng nasabing gulay ay 890 becquerels per kilogram, na lumagpas sa legal limit na 500.

Ang nasabing gulay ay pinalaki sa research center doon at hindi ibinebenta sa merkado.

Ayon pa sa health ministry, ang naturang level ng radioactivity ay walang adverse effect sa kalusugan ng tao kahit pa na kainin ito. NHK

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply