Matapos ang 76 araw: Dinukot na nurse sa Zamboanga pinalaya na

MATAPOS ang 76 araw ay pinalaya na ang 24-anyos na volunteer nurse makaraang dukutin ng mga rebelde sa Zamboanga City, Miyerkules ng umaga, Marso 2.

Ani Zamboanga police chief Edwin de Ocampo, si Maricris Cuartocruz ay pinalaya ng kanyang abductors sa Timbang-Timbang, Alicia, Zamboanga Sibugay matapos makapagbigay ang kanyang mga magulang ng “goodwill money”.

Tumanggi naman ang ina ng biktima na si Elena na ihayag kung magkano ang kanilang ibinigay sa kidnappers.

Nauna nang ibinalita na hinihingan ang pamilya ng biktima ng P10 milyon kapalit ng kalayaan ng biktima.

Matatandaang dinukot si Cuartocruz ng 10 armadong lalaki sa Manicahan noong Disyembre 14, habang napatay naman sa insidente ang kanyang 72-anyos na ama nang tangkang saklolohan ang anak.

Kinumpirma naman ng Zamboanga operatives sa isang press conference na ang dumukot sa biktima ay kabilang sa isang “lost command” group na responsable rin sa pagkidnap sa tatlong guro sa Zamboanga Sibugay noong Marso 2009.

Ikinasa naman ang kidnapping charges laban sa dalawang suspek na sina Mubin Bakwang at Jaidin Abdusalam alias Abu Jai, kasama ang tiyuhin ng biktima na si Pedro Sogradiel Jr., sa hinalang nakipagkutsabahan sa mga suspek.

Ang pamilya ni Cuartocruz ay kilalang mga negosyante sa nasabing lalawigan. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply