Matinding radiation tumama sa vegetable plantation

INIHAYAG ng Japan Health Ministry na kontaminado na ng mataas na radiation ang isang vegetable plantation sa Tokyo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-detect sila ng sobra sa limit na radiation sa lugar ng Tokyo, ayon sa isang opisyal.

Kontaminado na umano ang isang plantasyon ng mga gulay sa Edogawa ward matapos makumpirma ito kahapon, ika 24 ng Marso. Umabot sa 890 becquerels per kilogram ang nakitang radiation na halos doblehin ang legal na limit nitong 500.

Nilinaw naman ng health ministry na wala namang gaanong epekto ito sa kalusugan kahit ito ay makain pa ng tao.-Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply