Mavs inubos ang 76ers

KUMANA ng 30 puntos si Jason Terry mula sa bench upang pangunahan sa ika-pitong dikit na panalo ang Dallas Mavericks sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association regular season.

Tumikada naman ng triple-double si Mavs guard Jason Kidd (13 puntos, 13 assists at 10 boards) sa pagkaldag nila sa Philadelphia 76ers, 101-93.

Si star player Dirk Nowitzki ay nagdagdag ng 22 puntos, anim na rebounds at dalawang assists sa Mavs.

Mainit agad si Terry sa umpisa ng laro kung saan ay 11 puntos ang ginawa nito para tulungan ang Dallas na makalamang sa first half, 51-44.

Kumamada naman si Jodle Meeks ng 16 puntos, apat na rebounds at tatlong assists para pangunahan ang 76ers habang sumegundo sa scoring si Andre Iguodala na may 15 puntos, pitong boards at apat na assists.

Samantala, tinarak ng Los Angeles Lakers ang kanilang ika-limang sunod na panalo matapos gapiin ang Minnesota Timberwolves, 90-79.

Sa iba pang resulta, umiral ang mahika ng Orlando Magic matapos talunin ang New York Knicks, 116-110. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply