May bagong import ang Beermen

NAPAGPASYAHAN ng oaching staff ng San Miguel Beermen na tuluyan nang pakawalan ang import nilang si David Yang para makaahon sa pagkakasadlak sa komunoy ng idinaraos na PBA Commissioner’s Cup.

Kasalukuyang nasa buntot ng 10-team standings ang tropa ni Coach Atu Agustin sa tangang 1-5 win-loss slate at kasalukuyang nasa bingit ng elimination sa single-round robin format. Napisil ng SMB si Jason Davies na dating lumaro sa Sacramento state, Longwood University at Allan Hancock Junior College at sa huli ay sa isang prestihiyosong liga sa Portugal.

Masasabak sa unang laro si Davies kontra sa pumapangalawang Talk N Text Tropang Texters sa Biyernes, Marso 25, sa Big Dome. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply