‘Mayabang’ na blackbelter tinodas

PINAGTATAGA ang isang karate black belter ng kanyang kapitbahay makaraang mayabangan ang huli sa Brgy. Salaan, Zamboanga.

Nagtamo ng maraming taga sa katawan si Marion Ferolino habang nakilala ng pulisya ang suspek na si Alex Galvez , tubong Zamboanga del Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulisya, lasing ang biktima nang dumaan ito sa bahay ng suspek. Hinamon nito ang suspek ng suntukan at ipinagmalaking blackbelter siya ng karate.

Sa galit ni Galvez, agad itong kumuha ng itak at pinatataga ang biktima hanggang sa ito’y malagutan ng hininga. Kaagad namang nakatakas si Alex Galvez matapos ang krimen. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply