Mayon, Bulusan tuloy sa pag-alburuto

NAOBSERBAHAN ang  mabagal na pagsingaw matapos maitala ang apat na paglindol sa paligid ng bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, malinaw na makikita sa bunganga ng bulkan ang puting maulap na pagsingaw na lumalabas dito.

Sinabi ng Phivolcs na nananatili ang Alert Level 1 sa paligid ng bulkan at pinaalalahanan ang publiko na umiwas muna sa ipinaiiral na 6 kilometer permanent danger zone.

Nananatili rin umanong banta ang biglang maliliit na pagsabog at pagbagsak ng mga bato mula sa itaas at sa kalagitnaan ng dalisdis ng bulkan.

Pinaiiwas din ang publiko na lumayo muna sa mga aktibong daluyan ng tubig at daluyan ng lahar sa katimugang bahagi ng bulkan lalo na kung masama ang kondisyon ng panahon at magkaroon ng mahabang pag-ulan.

Samantala, sa Sorsogon, naitala ng Phivolcs ang dalawang volcanic quakes at tatlong pagbagsak ng mga bato sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman, mahina naman ang pagsingaw ng thermal vents ng Bulusan na naobserbahan sa bunganga nito. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply