Mayor Mangudadatu utak sa ambush?

IKINANTA ni Akmad Maliga, ang nahuling gunman kay Maguindanao Provincial Prosecutor Akilali Balt, na ang utak umano sa krimen ay si Buluan Mayor Ibrahim “Diong” Mangudadatu, kapatid ni Gov. Toto Mangudadatu ng naturang lalawigan.

Kaagad naman nagbuo ng lupon ng mga taga-usig si DOJ Sec. Leila de Lima para humawak sa kaso ni Maliga na nakasampa sa Regional Trial Court ng Cotabato City.

Binubuo ni Asst. State Prosecutor Vimar Barcellano at Prosecution Attorneys Gerard Gaerlan at Mark Roland Estepa ang hahawak sa preliminary investigation sa pagkakasangkot ni Mayor Mangudadatu.

Matatandaang inambush si Prosecutor Balt noong nakaraang linggo sa Cotabato City habang siya ay papauwi sa kanyang bahay. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply