Mayor Tiangco inireklamo sa CHR

INIREKLAMO si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa Commission on Human Rights ng isang samahan dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

Sa pitong pahinang reklamo na inihain ng Pagkakaisa ng Mamamayang Taga-bukid (PAMATA) sa pamumuno ni Fernando Sevilla ng Leongson st., San Roque ng lungsod sa tanggapan ni CHR Chairperson Loretta Ann Rosales, ang inireklamo ay sina Navotas City Mayor John Tiangco; ilang kagawad ng Navotas City Police, Navotas City Engineering Office, demolition team at ilang kagawad ng DSWD.

Nakasaad sa reklamo na malinaw na ilegal at paglabag sa karapatang pantao ang ginawang demolition sa kanila ng grupo ni Tiangco.

Hindi pa aniya sila nakaka-recover sa naganap na sunog noong Enero 29, ng taong kasalukuyan,  ikinamatay ng 12 katao ay ide-demolish naman sila nang walang katiyakan kung may malilipatan.

Ayon pa sa mga residente, malinaw na pawang kasinungalingan ang ipinangako sa kanilang tulong ng pamahalaang lokal na Navotas, kung saan sinasabi aniya ng mga ito, na pansamantala silang ide-demolish, dahil ang lugar na nasunugan ay pagtatayuan ng gusali o bliss para tirahan aniya ng mga residente, na sinasabi ring hazard place ang naturang lugar.

Matatandaan na nagsagawa ng demolisyon sa nasabing lugar noong nakalipas na Marso 2 kung saan hindi natuloy matapos magbarikada ang mga residente. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply