Mayweather camp nagparamdam kay Pacman

INIHAYAG ng kampo ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na nagpadala na ng feelers ang panig Floyd Mayweather, Jr. hinggil sa pagnanais nitong matuloy ang negosasyon sa inaabangan nilang laban.

Binanggit din ni Jeff  Mayweather, tiyuhin ng undefeated fighter, na nais din nilang matuloy ngayong taon ang sagupaan ng world’s top pound-for-pound boxers.

Habang haharap si Pacquiao kay Shane Mosley sa May 7, si Mayweather Jr. ay parang nasa semi-retirement na rin dahil sa tambak na mga kasong inihaharap sa kanya.

Una nang isinulong ang mga negosasyon noong isang taon ngunit naunsiyami dahil hindi magkasundo sa drug test issue at gayundin sa premyo.

Si Jeff, dating International Boxing Organization (IBO) super featherweight champion, ay nagsabi na siya ang magiging tulay ng dalawang kampo.

“I’m negotiating with both sides and it’s just a matter now of sending a letter of intent to Manny and one to Floyd through me and see where it can go,” ayon kay Jeff.

Ngunit ayon naman kay Team Pacquiao chief of staff Jayke Joson ay malayo pa itong maisakatuparan kahit na interesado sila rito. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply