Media killings noon, environmentalist ngayon!

UMABOT na sa 10 environmentalist workers at advocates ang napatay sa pagtupad ng kanilang tungkulin simula nang maluklok sa kapangyarihan si Pangulong Benigno Aquino III noong Hulyo 2010.

Ito ang iniulat ni Sen. Juan Miguel Zubiri, chairman ng Senate committee on environment and natural resources saka hiniling na kaagad aprubahan ang Magna Carta for Environmental Workers na magbibigay proteksiyon sa manggagawa sa kapaligiran.

Ayon kay Zubiri, pang-sampu si Pierre Gillo, 51 officer in charge ng Community Environment and Natural Resources Office sa Sta. Rita, Samar sa napatay na environmentalists workers at advocates sa bansa.

Bukod kay Gillo, pinatay din ng hired-killer si Dr. Gerardo “Gerry” Ortega, isang environmentalist at mamamahayag sa Palawan.

Inuupakan ni Ortega ang large-scale mining sa lalawigan at ibinubulgar sa kanyang programa sa radyo ang epekto ng minahan sa kalusugan at kapaligiran ng Palawn.

“I condemn the barbaric death of a comrade and environmentalist, Pierre Gillo. Now more than ever, we need to intensify our campaign against illegal logging operation in the country. We need to protect our green army, our environmental officers on the ground, who are helpless against big time logging operators and criminals,” babala ni Zubiri.

Aniya, lumilitaw sa statistics ng Department of Environment and Natural Resources na umabot na sa 120 government environmental workers ang napatay sa pagtupad ng tungkulin simula noong 1987, at “walong tauhan naman ng ahensiya ang napatay mula noong Hulyo 2010 hanggang ngayon o katumbas ng isang manggagawa kada buwan.”

Walang ibinigay na pangalan ang tanggapan ni Zubiri, ngunit nakalap ng www.remate.ph na lima lamang ang napatay na environmental worker ng DENR simula nang manungkulan si Aquino na nakilalang sina Gillo,  Kennedy Eber Bayani, forest ranger na piñatay sa Luna, Apayao noong nakaraang Hulyo; at Rolando Sanchez, tree marker, at Rolando Sinaday, forest ranger na pinaslang sa Surigao delo Sur noong Disyembre 2010.

Napatay din si Jacinto P. Dragas, 55, isang forest ranger na napatay sa unang bahagi ng 2011 matapos pasiglahin ng DENR ang kampanya laban sa illegal logging sa Caraga Region noong nakaraang Agosto na tinagurian nang “killing field para sa forest protection workers.”

Ilan taon na ang nakalipas, ayon sa tanggapan ni Zubiri, napatay naman sa Bukidnon ang Kitanglad Guard Volunteers sa lalawigan na nakilang sina Edilberto Embay, Cresencio Tapnayan, Villamor Sihagan, Alvino Monia at Cantalisio Luminda. Walang ibinigay na ibang detalye ang tanggapan ni  Zubiri hinggil sa kanilang sinapit.

“The task to protect our natural resources is not a walk in the park. Our foresters, park rangers, cops, soldiers, lawyers and environment officers urgently need this bill to ensure their safety and to promote their welfare. I am appealing to my colleagues, let us work together now and pass this,” the Bukidnon solon stressed.

Layunin ng Senate Bill 2550 o ang Magna Carta for Environment and Natural Resources Personnel na itaguyod at mapagbuti ang kalusugan, kaligtasang pisikal, kagalingang pang-ekonomiya at panglipunan ng lahat ng environmental workers, kabilang ang pagpapaunlad ng kanilang kondisyon sa pamumuhay, sguridad at katiyakan sa trabaho. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply