Mekaniko inutas sa harap ni misis

TATLONG bala ang tumapos sa buhay ng 32-anyos na mekaniko matapos barilin ng tatlong armadong lalaki na nakamotorsiklo habang kausap ang kanyang misis kagabi, Marso 24 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang biktima na si Resty Anzures, ng 1660 Yangco St., Tondo.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, dakong 9:30 ng gabi nanag maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar habang nagpapahinga at nakikipagkuwentuhan sa kanyang misis.

Dumating ang tatlong suspek na nakasakay sa motorsiklo kung saan ang dalawa rito ay nakasuot ng helmet habang ang isa naman ay nakabonet.

Nang makita ang biktima ay bumaba ang lalaking nakabonet saka tatlong beses na pinaputukan ang biktima bago nagsitakas.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply