Mel Gibson nag-file ng no contest sa kasong pambubugbog

NAG-FILE ng no contest ang kilalang aktor na si Mel Gibson para sa kasong pambubugbog sa kanyang dating kasintahan na naisampa noong nakaraang taon pa.

Sumang-ayon ang aktor sa naturang plea dahil nakipagkasundo na ito sa mga prosecutors na hindi na ito makukulong kung magsusumite siya ng no contest.

Sa isa pang kasong kinasasangkutan, walang nakikitang ebidensiya ang mga prosecutors sa extortion na isinampa ni Gibson laban sa kanyang dating girlfriend at ina ng kanyang sanggol na anak.

Sa naturang bargain deal ay sasailalim si Gibson ng tatlong taon ng probation, isang taong domestic violence counseling at labing-anim na oras na community service.

Kapag napanatili ng actor na hindi masangkot sa anumang gulo, hindi na ito kailangan magpakita sa korte sa loob ng nakatakdang panahon. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply