Mendoza aalukin ni PNoy maging CoA commissioner

KINUMPIRMA ni Pangulong Noynoy Aquino na itatalaga niyang Commission on Audit (CoA) commissioner si dating auditor Heidi Mendoza.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa Singapore habag nagsasagawa ng state visit.

Sinabi ng Aquino na kung naging abogado lang si Mendoza, malamang ay ito na ang kanyang kunin na CoA chairman kapalit ni Reynaldo Villar na nagpaso ang termino noong Pebrero 2.

Dagdag pa ni Aquino, bagamat hindi pa niya nakakausap nang pormal si Mendoza, sigurado naman aniyang iaalok niya ang nasabing posisyon.

Si Mendoza ay dating CoA auditor na nagtestigo sa Kongreso hinggil sa anomalya sa AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply