Ombudsman pinaghahanda ng CBCP

PINAYUHAN ng obispo si Ombudsman Mercerditas Gutierrez na maghanda na ng matitibay na ebidensya at magagaling na abogado sa oras na umakyat sa Senado ang impeachment complaints laban sa kanya.

Ito ay ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng Episcopal Commission on Canon Law ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para kay Gutierrez kasunod nang pag-usad sa Kongreso ng reklamong impeachment laban sa Ombudsman.

Naniniwala rin si Medroso na ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Gutierrez para  ipagtanggol ang sarili.

“Kailangan talaga na mayroon siyang matibay na ebidensya na magpapatotoo na hindi totoo ang mga alegasyon laban sa kanya.  Dapat ipaliwanag niya ito sa Senado sa tulong na rin ng kanyang mga abogado. Pagkakataon niya ito para malaman ng publiko ang katotohanan sa usapin. Pagkakataon  din para malinis niya ang kanyang pangalan,” ani Medroso, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Mabibigyan na rin umano ng pagkakataon ang Ombudsman na ipaliwanag sa publiko at pabulaanan ang mga alegasyon na ipinupukol sa kanya ng mga kritiko, partikular na ang hindi pag-aksiyon sa mga kaso ng katiwalian laban sa Arroyo government.

Pinayuhan din ni Medroso ang mga senador na huwag pulitikahin ang impeachment case, at sa halip ay hanapin lamang ang katotohanan sa kaso ni Gutierrez. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply