Merci, lawyers inisnab ang Kamara

HINDI lamang si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang wala sa pagdinig ngayong umaga ng House Justice Committee kundi maging ang kanyang mga abogado na nagsidalo sa mga nagdaang pagdinig.

Walang paliwanag o ipinadalawang mensahe ang Office of the Ombudsman kung bakit wala ang mga abogado ni Gutierrez sa pagdinig.

Sa pagsisimula ng pagdinig ay nagbigay ng kanyang pahayag si House Minority Leader Edcel Lagman kung saan sinabi niya na hindi sapat ang panahong ibinigay ng komite kay Gutierrez bago magbotohan para sa probable cause.

Nilinaw din ni Lagman ang nakasaad sa Konstitusyon na magsisimula lamang ang pagdinig kung nakitaan ang reklamo ng probable cause.

Aniya bukod sa may nakahain pang motion for reconsideration si Gutierrez sa Supreme Court ay nito lamang Biyernes nakapaghain ng mosyon sa komite na humihiling na ibasura ang impeachment complaints.

Giit ni Lagman na hindi pa napag-aaralan ng mga miyembro ang kasagutan ni Gutierrez sa mga akusasyon laban sa kanya kung kaya hindi pa dapat magbotohan.

“Due process demands ample time to be given to the accused to defend or answer the allegations,” sinabi ni Lagman.

Sinalungat naman ito ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na ang impeachment proceedings ay hindi lamang hanggang sa Kamara kundi aakyat pa hanggang sa Senado na magsisilbing hukuman.

Ipinaliwanag niyang maraming pagkakataon ang ibinigay ng komite kay Gutierrez ngunit hindi naman ito sumisipot sa pagdinig.  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply