Mercury vapor kalat sa Metro Manila

IKINABAHALA ni Sen. Manny Villar ang pagkalat ng mercury vapor sa atmospera ng Metro Manila at ilang lalawigan sa bansa dulot ng pagmimina kaya nakatakdang magsagawa ng pag-aaral ang Senado kung paano maiiwasan at mapapawi ang nakakalasong kemikal.

Ayon kay Villar,  nagkaroon ng pag-aaral noong Nobyembre 2010 ang Basel Action Network sa ilang minahan sa bansa na natuklasang mataas ang antas ng mercury vapor sa Benguet, Camarines Norte at Palawan.

Isang uri ng toxic o nakalalasong kemikal ang mercury na ginagamit sa pagmimina ng ginto.

“With pockets of small mining sites mushrooming in several mining sites in the country, the levels of mercury has risen to a point where the poisonous vapors are no longer confined to mining areas but has spread to heavily populated urban centers like Metro Manila which in the same study was found to have as much as 7.9 ncpm in the air,”paliwanag ni Villar.

Sinabi ni Villar na maaaring ikasira ng utak, kidney at baga ang sobrang exposure sa mercury na magreresulta ng sakit na Acrodynia, Hunter-Russel syndrome at Minamata disease.

Sa minahan sa Paracale, Camarines Norte, ang average ng mercury vapor sa hangin ay naglalaro sa 14,275.3 nanograms per cubic meters(ncpm) kung saan nakapagtala sila ng pinakamataas na 30,000 ncpm.

Ang average ng mercury vapor naman sa Itogon, Benguet ay 3,751.8 ncpm pero pumalo sa pinakamataas na 30,000 ncpm.

Kahit sarado na ang minahan malapit sa Sitio Pulang Lupa sa Palawan City, umaabot pa rin sa 1,488.8 ncpm ang mercury level sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng senador, hindi pa naman umano nakakamatay ang mercury vapor sa Metro Manila dahil ayon sa United States Environmental Protection Agency, ang safe na level ng mercury vapor ay 900 ncpm.

Kung aabot sa 10,000 ncpm ang mercury vapor, kinakailangan na ang evacuation ng apektadong lugar.

Gayunman, gusto pa ring paimbestigahan ni Villar ang mataas na mercury level sa ibang panig ng bansa para magawan ng paraan kung paano ito malilinis at hindi na makaapekto sa katawan ng tao. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply