Meyor ng Marikina City ‘tinatraydor’ ng kaalyado

MAY kasabihang ganito: “Keep your friends close, but your enemies closer.”

Ito kaya ang ideya ni Marikina City Mayor Del de Guzman kaya’t pinananatili niyang nasa puwesto ang ilang pinuno ng mga departamento ng city hall bagama’t winawasak ng mga itoang imahe ng alkalde?

O napipilitan lamang siya dahil sa tinatawag na “political debts.”

Ito ang dahilan, halimbawa, kung kaya’t karamihan sa mga bagong pasok na casual at regular employee ng City Hall ay rekomendado ng mga nanalong konsehal at kongresista ng siyudad.

Bukod sa napapalibutan si De Guzman ng mga di kaalyadong tauhan ay sinisiraan din siya ng mga “kaalyado” niya sa pulitika.

Marami ang nagsasabi na kaya di makapagdesisyon si De Guzman at maipatupad ang mga kagustuhan para sa ikakaganda ng lungsod ay tumatanaw pa ito ng utang na loob sa mga kapartido nito na siyang gumastos at nagpanalo sa kanya noong nakaraang eleksiyon nang tumakbo siya sa pagka-alkalde ng lungsod.

Isa umanong head ng isang departamento sa city hall ang may pakana ng mga lumalabas na balitang paninira laban kay De Guzman sa  radyo at diyaryo na pinopondohan ng malaking halaga ng isang pulitiko sa lungsod.

Ang nasabing head ng departamento ay palagiang nakikipag-ugnayan at nakikipagsosyalan sa mga editor at reporter ng mga pahayagan upang masiguro na ang ibinibigay niyang impormasyon laban kay De Guzman ay mailalathala sa iba’t ibang pahayagan kapalit ng malaking halaga ng salapi, depende sa napagkasunduan.

Minsan na rin nagtangkang magbitiw sa tungkulin ang nasabing department head at nagsumbong sa kanyang among local politician. Nang tawagan ng huli si Mayor De Guzman ay dali-daling ibinalik ng alkalde ang department head sa kanyang dating puwesto.

Ang nasabing pulitiko, na siyang nagpondo sa kampanya ngunit ngayon ay naninira kay De Guzman, ay dati nang nasangkot sa multi-bilyon-pisong scam sa pinamumunuan niyang ahensya ng pamahalaan nung siya ay nanunungkulan pa sa gobyerno.

Nakabinbin pa sa Senado ang kanyang kaso. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply