Mga amasona nanunog ng backhoe

NANUNOG ng isang backhoe ang isang grupo ng mga bandido na kinabibilangan ng tatlong amasona sa Brgy.Lunao, Gingoog City, Misamis Oriental.

Ayon sa ulat, dinis-armahan din nila ang caretaker ng heavy equipment na pag-aari ng isang Engr. Rosaro Kinasala. Tinangay din nila ang isang chainsaw mula sa lugar.

Sa ginagawang imbestigasyon ng Gingoog City PNP, tinitingnan nilang ang mga anggulong land dispute at personal na hidwaan, ito ay ayon mismo sa may hawak ng kaso na si PO1 Dennis Hakilmac.

Humingi na ng tulong ang kapulisan sa 4th ID Philippine Army para sa agarang matugis ang mga bandido na armado ng matataas na kalibre ng baril. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply