Mga anak ni Charlie Sheen nasa kustodiya ng Pulisya

NASA kustodiya ng mga pulis ang mga anak ng US actor Charlie Sheen.

Naganap ang pagkuha matapos ipaalam ng kanyang dating asawa na si Brooke Mueller na nangangamba sila sa kanilang kaligtasan dahil patuloy ng pagbabanta
sa kanya ng aktor.

Sumunod lang umano ang kapulisan sa pagkuha sa mga bata makaraang maglabas ng utos ang korte matapos magsumite ng affidavit si Mueller.
“Sheen threatened to kill her and to knock off other unidentified associates,” ayon pa kay Mueller.

Nakapaloob din sa kanyang affidavit ang pagmamayabang ng actor na “I’m untouchable! I’m Charlie Sheen! I’m more famous that Obama!”

“At this moment on live television I don’t know where my children are, but I am not panicking. This is not about emotion or ego. this is about focus and getting in touch with what I have to do to complete the task of bring these two beautiful young men back to the home that they deserve to be raised in,” ayon naman sa isang panayam kay Sheen sa NBC. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply