Mga druglord ng mga bibitayin sa Tsina nasaan?

NASAAN ang mga drug-lord na nagpahamak at nagtulak sa bitayan sa Marso 30 makalawa sa tatlo nating kababayan sa bansang Tsina?

Kabilang ba sila sa mangilan-ngilan na African druglord na nahuli ng mga awtoridad kamakailan lamang?

Hindi malinaw, mga Bro, ang kasagutan dito. Ang palatandaan ay walang ipinangangalandakan ng mga nakahuli na sila na nga ang mga animal na ito.

Ang nakabibilib sa mga ito, mga Bro, ay ang kanilang pagiging sobra sa talino. Mantakin ninyo, kaya nilang gawing parang softdrinks ang droga at pupuwede mong ibiyahe nang di nade-detect sa ordinaryong paraan.

Pero pinakakataka-taka ang galing nilang gumawa ng mga suitcase o maleta na naglalaman ng kilo-kilong droga. Nakalulusot ang mga ito sa mga mata ng mga guard sa ating mga paliparan, maging sa pagsusuri ng mga makina gaya ng mga x-ray machine.

Nakapagtataka ring walang binatbat ang mga sniffing dog sa pag-amoy sa mga droga.

At ngayon nga ay nakasalang na sa lethal injection sina Sally Ordinario Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo sa ka-tapusan ng buwang ito.

Si Batain, mga Bro, ay galing sa Malaysia nang mahuli itong nagpapasok ng droga sa isang airport sa Tsina. Nanggaling naman sa mahal kong Pinas sina Sally at Ramon.

Nasaan nga pala ang yang animal na si Tita Cacayan na nagbigay ng suit-case na may lamang droga kay Sally? Dapat tapatan na lang yan ng mga riding in tandem.

Sabi, maaaring hindi na magbabago ang desisyon ng Tsina na bitayin sina Ordinario.

Let’s pray na lang para sa kanila.

oOo

Paging PDEA

Hello, “action man ng PDEA.” Pakihambalos naman po ang mga “pusher” dito sa Pila-Pila, Binangonan, Rizal na  pinagsisimulan ng mga nakawan para may pambili lang sila ng “SHABU.” Ang mga barangay tanod at kapitan ay tutulog-tulog sa pansitan. Matitinik at madudulas po ang mga ito. Paki-surveillance po ninyo ang mga salot na ito. Hinihiling po namin ang agaran ninyong pagkilos, pakiusap lang po.
Sa police blotter, ang dating pugad ng kaligayahan ay pugad na ngayon ng “PUSHER, magnanakaw at addict.”   –0905732

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply