Mga gurong may sakit sa puso dumarami

NAALARMA na ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng napaulat nang pagdami ng mga gurong nagkakasakit sa sa puso, hypertensyon, diabetes at iba pang kumplikasyon.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ito ay maaaring dahil sa napapabayaan na ng mga guro ang kanilang katawan at kalusugan sanhi ng pagiging subsob sa  kanilang pagtuturo.

Dahil  dito, isinulong ng DepEd ang isang wellness program  para sa mga guro na tinatawag na  “I AM FIT.”

Sa naturang programa magkakaroon ng 30-minutong  ehersisyo gaya ng jogging na gagawin tatlong beses kada isang linggo bago pumasok sa klase.

Ang nasabing programang pangkalusugan ay pamamahalaan ni Director Cesar Abalon ng Physical Fitness, Wellness and Recreation Office (PFWRO).

Binigyan-diin ng kalihim ang kahalagahan ng pag-eehersisyo sa katawan para mapanatiling malusog ito. Ayon pa sa kanya, mabuti din ito para magkaroon ng magandang daloy ang dugo sa bawat parte ng katawan ng tao.

Bukod pa dito, idinagdag ni Luistro ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng “healthy life style” sa pamamagitan ng  pag-iwas  sa alak at paninigarilyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply