Mga Hapon nakikipag-unahan sa mga OFWs sa pagpunta sa Pinas

HINDI lamang mga overseas Filipino Workers (OFW) ang nag-uunahang makauwi ng bansa kundi sumasabay na rin ang mga Hapon sa pagkuha ng tiket papuntang Pilipinas.

Ayon sa panayam sa isang istasyon ng radyo kay Mrs. Ang Mary Joyce Tadle, negosyante,27, residente ng Japan, marami na siyang nakausap na mga Hapon na nais lumikas patungo sa Pinas dahil sa pangamba sa pagtaas ng radiation leak mula sa mga nasirang nuclear plant.

Ayon pa kay Tadle, nakasabay niya ang mga Hapon sa pagkuha ng tiket sa eroplano papuntang Davao at Cebu.

Nabatid pa kay Tadle, nasa embahada ng Pilipinas ang ilang mga Pinoy na walang makain at nawalan ng tirahan dahil sa trahedya. Hindi naman makauwi kaagad ang mga ito dahil sa kawalan ng pamasahe.

Maliban sa mga Pinoy, marami ring mga Hapon ang walang makain lalo na ang mga residente sa Fukushima na umaasa na lamang sa rasyon ng gobyerno. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply