Mga inilikas dahil sa tsunami alert, umuwi na

NAGSIMULA nang umuwi sa kanilang tahanan ang may 9,412 pamilya o katumbas na 55,335 na nagsilikas bunsod ng tsunami alert na inanunsyo ng Phivolcs kahapon matapos ang 8.9 magnitude na lindol sa Japan.

Inilikas ang mga residente ng Batanes, Cagayan at Isabela na umabot sa 35,950 katao; 10,560 katao mula sa Ilocos Norte; 4,585 katao sa Aurora at 3,240 naman sa Quezon province.

Matatandaang sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na bagamat tumama sa Pilipinas ang tsunami, hindi naman ito magiging kalakasan dahilan upang walang napinsala o nasaktan sa naturang kalamidad. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply