Mga inilikas sa Tacloban bawal pang bumalik sa kanilang tahanan

HINDI pinayagang bumalik sa kanilang tahanan ang ilang residente na naninirahan sa mga baybayin sa Tacloban.

Nabatid na kahit ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tsunami alert level 2, hindi pa rin pinahintulutan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na bumalik ang mga residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Salve Avestruz ng Pagasa Tacloban na hindi pa rin ligtas sa tubig dagat ang mga residente malapit sa mga baybayin dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Nilinaw pa ni Avestruz na wala nang kinalaman sa tsunami ang lakas ng alon na nararanasan sa nasabing probinsya.

Ang nararanasang malakas na hampas ng alon ay dulot ng pananatili ng tail end of a cold front at ng La Niña. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply