Mga kalsada sa region 8 isinara dahil sa baha

INILABAS na ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) ang listahan ng mga kalsadang sarado at hindi pa madadaanan ng mga motorista sa Region 8 dahil sa baha.

Ang mga ito ay ang  mga lugar ng Mahaplag – Libangon Section Alternate Route; Abuyog -Silago-Himayangan-Liloan Road Samar -Wright-Taft Road sa Barangay Malinao; Eastern Samar-Junction Buenavista -Lawaan Road sa kahabaan ng Barangay San Vicente, Quinapondan Eastern Samar, Camp 5-Junction Taft -Borongan Road sa kahabaan ng Barangay Malinao San Pablo.

Kaugnay pa rin ng pagbaha sa nasabing rehiyon, naghanda ng limang dump truck ang DPWH Region Office no.8 na gagamitin ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa pag-rescue at evacuation ng mga apektadong mamamayan. Ben Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply