Mga matataas na opisyal ng MPD, sangkot sa nawawalang ransom

KUMPIRMADONG ninakaw nga ng ilang kasapi ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang malaking bahagi ng ransom money na kanilang na-recover sa isinagawang follow-up operation matapos na magbayad ng ransom ang dinukot na Malaysian national.

Ito ay kung mapapatunayang may mga mas mataaas pang opisyal ng MPD ang sangkot sa nawawalang P10.6 million ransom money na bahagi umano ng P15 million ransom na narecover base sa tinutumbok na imbestigasyon ng MPD General Assignment Section.

Mismong si Manila Mayor Alfredo S. Lim ang nagbulgar kanina, Marso 21, matapos ang regular Monday flag raising ceremony na bukod sa limang police na sumuko matapos siyang magpalabas ng shoot-to-kill order na may mataas pang police officer ang sangkot at kasalukuyang iniimbestigahan.

Ayon kay Lim, binase lamang niya ang kanyang akusasyon sa naging pagbubunyag ni Senior Inspector Peter Nerviza isa sa mga akausadong pulis sa piskal na may hawak ng kaso na ibinigay nito ang pera kay dating  Station 5 Commander Col. Felipe Cazon, Jr.

Pinaiimbestigahan din ni Lim kay Western Police District-General Assignment Section (WPD-GAS) Commander P/Chief Inspector Mar Reyes ang impormasyon na sinuspindi si Cason noong Marso 11, 2011 dahil sa nasabing kaso.

Subalit nitong Marso 14, nagbukas pa ito ng joint account sa banko kasama ang kidnap victim na si Eric Shin Shing Ton upang ibangko ang nalalabing P4.2 million ransom.

Sinasabi rin na nakay Cason ang bankbook at hinihinga na ito ng abogado ng biktima.

Kaugnay nito pinapurihan ng alkalde si Reyes sa mahusay na paghawak nito ng imbestighasyon ng kaso na posibleng kinasasangkutan ng iba pang opisyal ng kapulisan.

Kahapon ay ipinagtangol si Lim ni National Police Commission vice chairman and executive officer Eduardo Escueta sa pagpapalabas nito ng  shoot-to-kill order laban sa limang pulis Maynila.

“Nagpapasalamat ako kay vice chairman Escueta because he fully understands the intricacies of police work. `Yung iba kasi diyan, di naman naiintindihan kung ano ang pinagsasasabi nila,” ani Lim. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply