Oil facilities sa Libya, binomba

BINOMBA ng kampo ni Libyan leader Moammar Gadhafi ang mga oil facilities sa Libya.

Nabatid na dalawang oil facility ang sinunog at isa sa bayan ng Ras Lanuf, sa Sidr oil facility dahil sa airstrike.

Ayon kay Mustafa Gheriani, tagapagsalita ng oposisyon, sinasadya ni Gadhafi na bombahin ang mga oil facilities upang magbigay ng babala sa Europe na ang kaguluhan sa Libya ay makakaapekto sa supply ng langis.

Dagdag pa ni Gheriani, iniisip ni Gadhafi na ma-pressure nito ang Europe na pangunahing nagsusulong ng no-fly zone sa Libya.

Ngunit ayon naman sa opisyon, ang estratehiyang ito ni Gadhafi ay may masamang epekto rin sa kanya.

“Gadhafi thinks he can put pressure on Europe, but I think this is just going to work against him,” ayon pa kay Gheriani. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply