Mga produktong agrikultura mula sa Japan binabantayan

NAGSANIB-puwersa  ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Department of Agriculture (DA)  para sa pinaigting na operasyon upang bantayan ang mga produktong agrikultura mula sa Japan na papasok sa bansa.

Gayunman, inunahan na ni  Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup na sa mga sandaling ito ay walang dapat  ipangamba ang publiko dahil  wala pa namang  report na dapat na ikaalarma.

Ayon kay Salvador,  hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat galing sa Ministry of Agriculture, Forestry at  Fisheries  ng Japan hinggil sa kanilang ikinababahalang produkto na  maaaring kontaminado  ng radiation mula sa  tumagas na nuclear power plant sa  Fukushima Prefecture sa  Northern Japan.

Sa kasalukuyan, doble ang pagbabantay ng DA at PNRI sa lahat ng papasok at papalabas  ng bansa, partikular ang mga paliparan at daungan ng barko.

Bawat paliparan ay nagtalaga ng tatlong inspectors mula Quarantine Bureau para masuring mabuti ang mga produktong pumapasok sa bansa.

Tiniyak naman ng DA at PNRI na sakaling makatanggap sila ng report na may papasok na produktong kontaminado ng  radiation  ay agad itong haharangin ng mga eksperto upang masuri.

Batay sa huling tala, umaabot sa halagang $105 milyon ang mga produktong inaangkat ng bansa mula sa Japan. Halos  85 porsiyento nito ay lamang-dagat.

“Halos 100 porsiyento dito ay nahuhuli sa international waters at malayo sa nangyaring earthquake at tsunami,”  ayon sa DA.

Siniguro rin ni Salacup sa publiko na lahat ng imported products galing Japan  ay ligtas sa  radiation. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply