Mga produktong hango sa tanglad

IPINAGKALOOB ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Gawad Ginintuang Yaman Award sa Gold in Grass Corporation (GIGC) sa overall participants sa katatapos na National Trade Fair 2011 na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City mula Marso 17-20, 2011.

Ang Gawad Ginintuang Yaman ay ipinagkakaloob bilang pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon ng isang indibidwal o institusyon na maiangat ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang pagsisikap at adbokasiya.

Ang GIGC ay isang munting kabuhayan nagsimula sa imbensyon ni Bienvinido Baligod, kapatid ni Lilia Pelayo, marketing manager ng GIGC.

Ito ang mga produktong mula sa katas ng tanglad gaya ng essential oil, massage oil, shampoo, conditioner, hand sanitizer, sabon, at marami pang iba.  Ang mga ito ay maituturing na nakatutulong sa kalusugan ng tao dahil sa aroma flavor ng tanglad.

Ginagamit din ang essential oil sa pagluluto at maging pampa-relax ng pagod na katawan.

Kasabay ding iginawadsa GIGC ang Top Seller Award 2009 sa hanay ng “Natural and Organic Products” bilang kalahok sa National Trade Fair 2009 na may pinakamalaking sales base sa monitoring ng regional office.

Nacho chips

MAHILIG ka ba sa maaalat na chichirya na nakapipinsala sa ating katawan dahil sa labis na vetsin at sangkap na mapanganib tulad ng sobrang asin? Naririto na ang Nacho Chips na kabilang sa produkto ng GIGC na taglay ang lasa at aroma ng tanglad. Malutong ito at gawa mula sa organic corn.

Kilala ang tanglad bilang medicinal plant at ang natural nasangkap nito ay kilalang nakatutulong sa paglilinis ng katawan, nagpapababang uric acid, cholesterol, toxins, at excess fats. Hindi matatawaran ang sarap at linamnam ng nacho chips na ito.

“It comes in barbeque, sweet and sour, and cheese flavors in 250 and 500gram packs,” ayon kayMs. Lilia Pelayo, marketing manager ng GIGC.

Bukasang GIGC sa dealership ng nachos chips para sa mga nagnanais na magsimula ng sariling negosyo sa pagkain. Hindi lang ito basta chichirya, ito’y may taglay na sustansiya at sangkap na nakatutulong sa kalusugan.

Sa mga interesadong magnegosyo, makipag-ugnayan lamang kayMs.Pelayo sa telepono bilang+(632) 808 4987 o mag-e-mail sa goldingrass@yahoo.com para sa karagdagang detalye.  Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply