Mga pulis inambush sa Palawan, 3 sugatan

TATLONG miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang malubhang nasugatan nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang grupo ng mga pulis na nagsasagawa ng routine patrol sa lalawigan ng Palawan kaninang umaga, Lunes, Marso 14.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang pananambang 10:45 a.m. sa Sitio Cataban, Barangay Bagumbayan.

Nabatid sa ulat na ipinarating sa Camp Crame na nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Palawan Provincial Public Safety Company, sa pangunguna ni P/Supt. Rolando Amurao, lulan ng Mobile Unit 122.

Kasama sa operasyon sina SPO4 Abdul Wahid Jailani, PO3 Rufino Marquez, PO3 Elmer Usadan, PO2 Benhie Saliente, PO1 Jolly Suspene at PO1 Rino Maniquiz Jr.

Habang binabagtas ng mga operatiba ang Barangay Bagumbayan ay bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kalalakihan at pinaputukan ang mga pulis.

Nagawang makaganti ng putok ang mga pulis, subalit sugatan sa sagupaan sina Valdez, Saliente at Marquez. Itinakbo ang tatlo sa Puerto Princesa City upang malapatan ng lunas.

Isang hot-pursuit operation ang agad na inilunsad ng mga tauhan ng pamahalaan sa mga tumakas na salarin. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply