5 pulis sa nawawalang ransom ‘barilin’ — Lim

NAGPALABAS na ng shoot-to-kill order si Manila Mayor Alfredo S. Lim laban sa limang miyembro ng Manila Police District (PNP-MPD) na tumangay umano sa P11.5-milyon ransom money na nabawi sa isang kidnap group kamakailan sa Riviera Mansion sa Malate, Maynila.

Hinihinalang kinulimbat ng ilang miyembro ng raiding team ng MPD Station 5 sa pamumuno ni MPD Ermita police station commander Supt. Felipe Cason ang mahigit P11 milyon mula sa nabawing ransom.

Ayon kay Lim, isang marahas na hakbang ang kanyang ipinag-utos dahil tumakas ang limang pulis sa isasagawa sanang preliminary investigation kaugnay sa nawawalang ransom money na bahagi ng nabawing P16.3 million na ibinayad ng pamilya ng  Malaysian national na dinukot sa Malabon City.

Kinilala ang mga target na sina: Senior Insp. Peter Nervisa, pinuno ng WPD Station 5-Anti-Crime Unit; SPO3 Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Britanico; PO3 Mike Ongpaoco Fabia; at PO1 Rommel Santos Ocampo.

Una rito ay ipinag-utos ni Lim na imbestigahan kung bakit naging P4.5 milyon na lamang ang narekober ng mga operatiba sa isinagawang follow-up operation sa Riviera Mansion laban sa mga kidnapper na Malaysian.

Sinabi ng alkalde, ayon sa suspek na si Marlon Lopera, 31, tumatayong mastermind ng grupong kumidnap sa biktimang si Eric Sim Chin Tong, Malaysian national, ng 202 Mabolo St., Maysilo, Malabon City, na puno umano ang maleta ng pera at hindi pa napaghahati-hatian ng grupo nang masakote ng mga awtoridad.

“Nang mahuli (si Tong), tinakpan daw ang mga mata niya ng mga pulis. Bakit nila tatakpan ang mata? Dapat doon bibilangin nila sa harap ng suspek ang pera bago papipirmahan,” ayon kay Lim.

Ayon sa alkalde, nakapagdududa umano ang pahayag ng mga pulis na dala ang dalawang suspek na nakatakas ang P11.5 milyon na bahagi ng loot, gayung ang nadakip nila ay ang mastermind na siyang nag-iingat sa nabawing pera.

Kinumpirma ng biktima na buo niyang naibayad ang ransom sa mga suspek.

Nabatid na inatasan ni Lim si MPD Director Roberto Rongavilla na imbestigahan ang mga pulis na kasama sa follow-up operation, gayundin si Cason.

Subalit nitong Biyernes ay tumakas ang mga suspek na pulis habang nasa tanggapan ng WPD General Assignment Section.

“There (are two sides) of the coin.  ‘Yung isa, dapat silang bigyan ng rekomendasyon dahil sa mabilis na pag-aresto. Kaso ‘yung pera nawawala,” ani Lim.

Nauna rito ay naaresto na ng mga operatiba ng MPD na sina: Marlon Lopera, 31, ng 303 Ekson Building, 1709 Mabini St., Malate, Maynila; Joana Turla, 20, ka-live in ng biktima; Francis Turla, 27, ng 171 L. Lupa St., Maypajo Caloocan City; Felizardo Guttierez, 44, ng 220 Talisay Libis St. Caloocan City; Edel Macalinao, 36, stay-in secretary ng biktima, ng 343 Bangkal St., Meycuayan, Bulacan; Bernardo Manuzon, 38, ng Barangay Sibul Spring, San Miguel, Bulacan, Rolando Manuzon, 29; at isang “Jeff,” 17. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply