Mga rebeldeng pumatay sa SOCO tinutugis na

CAGAYAN DE ORO CITY— Kasalukuyang tinutugis ng mga sundalo ng 4th Infantry Division ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army na tumambang at pumatay sa tatlong pulis na miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa Malaybalay, Bukidnon.

Sinabi ni Maj. Eugenio Julio C. Osias IV, tagapagsalita nga 4th ID, na tinutugis na ngayon ng mga sundalo ang mga rebelde sa pangunguna ni Kumander Bagwis ng Front Committee 89.

Ang grupo umano ni Bagwis ang tumambang at pumatay kina PO1 Ronel Bayta, PO1 Jaime Natil at PO3 Joumar Cahig habang ang mga ito ay rumeresponde sa ulat ng pamamaril sa Barangay Mapayag, Malaybalay City noong Linggo.

Isang sibilyan, na kinilalang si Rodel Dangop, ang nadamay at napatay sa naturang pananambang.

Sugatan din sa parehong insidente sina PO3 Zandrex Llido, PO3 Glenn Pamesa at PO1 Angelo Linaban.

Ang mga biktima ay pawang mga miyembro ng SOCO ng Malaybalay.

Sinabi ni Osias na umabot sa 30 miyembro ng NPA ang nag-abang sa SOCO sa naturang barangay.

Napag-alaman na noong umaga ng Linggo ay umatake ang mga rebelde sa barangay. Nabaril at napatay umano ng mga ito ang dati chairman ng barangay na si Antonio Pechora.  Albus D. Estabas

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply